Exam: Malas at Swerte
Acads January 29th, 2008Nagpapasalamat ako sa Fireman natin dahil napostponed yung exam namin kanina sa Phys 82 na wala akong ka-alam-alam na exam na pala. Swerte.
Pucha! Muntik na sana o! Pambihirang buhay naman. Akala ko bukas pa yung exam namin sa Phys 82, wala talaga akong inaral kagabi. Kahit isang slide lang ng PowerPoint ni Sir Darwin, wala akong nabasa! Mas inuna ko kasi yung PSY1 kasi sigurado talaga yung exam namin dun. Sabi pa nga ni Ms. Ocampo na "despite the delays, we will push through our scheduled exam." Siyempre hindi na yun papayag na madelay pa yung exam namin kaya nagsipag-sipagan tuloy ako kagabi na nabalewala lang din nung nabasa ko na yung testpaper. Malas pa rin.
Walang madaling exam. Yung iba nadadalian, bobo lang talaga ako. Kasi dalawa yung exam ko kahapon: CMSC 22 at PHYS 82 Lab. Yung CMSC 22, nakapag-aral talaga ako dun. Adik sa programming eh. Swerte nung binigay na yung testpaper kasi nadalian ako. Pero yung PHYS 82 lab, two hours lang akong nagbasa ng reading materials na hindi ko pa maintindihan sa dami ng iniisip. Kaya minalas ako nun. Akalain mong higit kalahati di ko nasagutan.
Malas man ako o swerte, tuloy pa din yung exam namin sa PHYS 82 bukas kaya aral-aralan muna. Sana may Fire Drill ulit at ililibre ko talaga ng tanghalian yung Fireman.